Nananatiling malaking problema pa rin umano sa Pilipinas ang ilang concerns na may kaugnayan sa “state forces impunity” at “human rights issues” ayon sa 2022 Country Report on Human Rights Practices ng US State Department.
Batay ito sa inilabas na annual Country Reports ng US State Department sa 198 mga bansa at territories, na nagbibigay ng factual, at objective na impormasyon base sa mga credible reports ng mga pangyayaring naitala sa buong taong 2022.
Nakasaad sa naturang report na kabilang sa mga nararanasang alalahanin sa bansa ay ang kawalan ng kaparusahan laban sa mga pulis na nasasangkot sa extrajudicial killings, sa kabila ng isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan hinggil sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao kabilang na ang mga pang-aabusong isinasagawa umano ng mga otoridad at paramilitary forces.
Bukod dito ay nakasaad din na kabilang sa mga Significant concerns sa Pilipinas ay ang umano’y impunity para sa ibang mga security forces, civilian national at local government officials, at gayundin sa mga indibidwal na may powerful business at commercial figures na kadalasan umanong nauugnay sa mga korapsyon.
Samantala, iginiit nito na ang naturang mga reports ay maingat na pinagsama-sama ng mga empleyado nito gamit ang impormasyon mula sa mga embahada at konsulado ng Amerika sa ibang bansa, mga foreign gobvernment officials, nongovernmental at international organizations, mga hurado at legal experts, mga mamamahayag, academics, human rights defenders, labor activists, at published reports.