-- Advertisements --

Ginulat ng NorthPort ang San Miguel Beermen 115-101 sa PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Philsport Arena.

Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang NorthPort na nagtala ng 28 points.

Kahit na importless ang North Port dahil sa may sakit si Venky Jols ay hindi sila nawalan ng pag-asa para tuluyang talunin ang Beermen.

Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na ang NorthPort para makuha ang 29-22 sa unang quarter.

Sinubukan ng Beermen na makahabol subalit hindi hinayaan ng NorthPort na masayang ang lamang at nagtapos sa first half na lamang ang Batang Pier 55-48.

Ito na ang tatlong sunod na panalo ng NorthPort na mayroon na silang limang panalo at dalawang talo habang ang Beermen ay mayroong dalawang panalo at dalawang talo.