-- Advertisements --
sibuyas

Maaaring ilabas na ng Department of Agriculture ang import order para sa aangkating sibuyas bago matapos ang buwan ng Mayo.

Ayon kay DA Spokeperson Rex Estoperez, ang nasabing plano ay pinag-aaralan ng DA upang hindi na maulit pa ang nangyari noong nakaraang taon, kung saan umakyat sa P700 ang kada-kilo ng sibuyas.

Sa ngayon, isinasapinal na ng DA ang kabuuang volume ng sibuyas na kanilang aankatin upang isasabay na rin oras na ilabas ang imprt order.

Kasabay ng pagsasapinal sa volume ng aangkating sibuyas, nakikipag-ugnayan na rin ang Agri department sa mga cold storage facilities upang matukoy ang kabuuang stock ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay Estoperez, ginagawa ng ahensiya ang lahat ng makakaya upang matiyak na sasapat ang supply ng sibuyas sa mga merkado sa buong bansa, kasabay ng pangakong hindi na mauulit pa ang labis na pagsipa ng presyo ng sibuyas sa mga merkado.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang pagtaas sa presyo ng sibuyas sa mga merkado mula P20-P40 sa bawat kilo.