Kapwa ipinag-utos ng Deparment of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) na suspendihin muna ang implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ito’y sa loob ng 10 araw upang mabigyan ng sapat na panahon para rebyuhin ang implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas.
Ayon kay DILG Undersecretary and spokesperson Usec. Jonathan Malaya, ang paglabas ng suspension ay batay sa rekomendasyon nina Sec. Eduardo Ano at DOJ Secretary Menardo Guevarra.
“Hopefully, the joint committee will be able to make the necessary adjustments to the IRR , if needed, so that we do not have to go to Congress or to the Judiciary,” ani Malaya.
Layon ng gagawing review sa GCTA Law ay upang matukoy kung nagkaroon ng inconsistencies sa pagitan ng batas at ng IRR.
Giit ni Malaya, sapat na ang 10 araw para rebyuhin ng joint DILG and DOJ team ang mga provisions sa batas at gumawa ng mga kaukulang rekumendasyon.