-- Advertisements --

Posibleng abutin pa ng ilang buwan para makumpleto ang imbestigasyon ng US sa kumalat na ‘classified’ documents.

Sinabi ni Milancy Harris ang deputy under secretary of defense for inteligence and security, na siyang nangunguna sa panig ng Pentagon, na nais nilang malaman ang sakop ng nasabing nag-leak na dokumento.

Hindi pa rin nila tiyak kung kanilang napigilan na ang nasabing mga pagkalat ng mga leaked documents o ito ay nananatiling nakakalat pa rin.

Lumalabas na ang mga leaked materials ay mga larawan ng mga dokumento na ito ay nagusot at maaring resulta ng pagtago sa bulsa.

Ilan sa mga nakasaad sa mga kumalat na dokumento ay ang pagsusuplay ng armas ng Egypt sa Russia na una ng itinanggi ng mataas na opisyal ng nasabing bansa.

Nakasaad din ang pagkakaroon umano ng mga sundalo ng US na nag-ooperate sa Ukraine na tumutulong para palayasin ang puwersa ng Russia.