-- Advertisements --
M2

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP (Philippine National Police) at ng pamunuan ng 6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, hinggil sa nangyaring pagbasog nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 18, sa may Barangay Lipongo, Datu Hoffer, Maguindanao.

Ayon kay 6th ID Commander M/Gen. Juvymax Uy, tutukuyin nila kung sino ang nasa likod ng pagsabog at mananagot sa batas ang mga salarin.

M1

Sa nangyaring pagsabog, isang sundalo ng Philippine Marines ang nasawi habang apat ang sugatan.

Binabaybay ng mga tropa ng ng 5th Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-5 ang nasabing highway nang bigla na lamang sumabog ang anti-personnel landmine.

“Investigation is ongoing to identify the perpetrators of this inhumane act of terrorism,” pahayag ni Maj. Gen. Juvymax Uy.

M3

Kinondena naman ni Wesmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., ang insidente.

“This horrendous act perpetrated by the terrorists is simply unacceptable,” wika ni Vinluan.