-- Advertisements --

Ipinagpatuloy ngayon ng Senate blue ribbon committee ang ika-anim na pagdinig ukol sa isyu ng umano’y overpriced na personal protective equipment (PPE) noong nakalipas na taon.

Agad sumentro ang hearing sa umano’y instant transactions ng Procurement Serive – Department of Budget and Management (PS DBM) at suppliers, bagay na hindi raw nakasunod sa mga tamang proseso.

Humarap virtually si Pharmally Dir. Linconn Ong, kahit positibo pa rin ito sa COVID-19, dahil pinapaaresto sila ng Senate panel.

Pero ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang ay hindi na muna nakadalo dahil sa high blood pressure.

Bago pa umusad sa pagtatanong sa mga resource persons, bumuwelta na si Sen. Gordon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, ukol sa isyung kaya lumobo ang COVID cases, dahil naaabala ang health officials sa pagdalo sa mga hearing ng Senado.

“I want to make it on record that we only invited the Secretary of Health, according to our director general but we are being accused that we are taking time from the business at hand and we are being blamed on the sudden increase of (COVID cases) nasisi kami na tumaas raw dahil sa pag-imbita namin sa mga tao rito, hindi na raw makagalaw ang gobyerno,” wika ni Gordon.