-- Advertisements --

Hindi magpo-prosper o mawawalan ng saysay ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng International Criminal Court sa war on drugs campaign ng dating administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Human Rights Committee executive director Undersecrtary Severo Catura sa ginanap na press briefing ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Paliwanag niya, hindi maaaring mag-prosper ang ginagawang imbestigasyon ng ICC sa dating administrasyon maliban nalang kung wala talagang umiiral na justice system sa bansa.

Ang PHRC ay inaatasan na payuhan ang Pangulo sa lahat ng mga alalahanin at isyung may kaugnayan sa human rights.

Dito ay ang executive secretary ay nagsisilbing committee chair, habang ang mga secretary ng Justice and Foreign Affairs ay vice chairpersons