Ipagpapatuloy pa rin ng Senate Committee on Women and Children ang kanilang imbestigasyon sa umano’y iligal na aktibidad kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kahit pa sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Immigration officials na sangkot sa umano’y “pastillas” scheme.
Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Risa Honteveros, chairman ng komite, na kukompletuhin nila ang kanilang imbestigasyon hinggil sa sinasabing POGO-related prostitution at iba pang mga usapin kahit pa ang mga opisyal ng pamahalaan na sinasabing sangkot dito ay wala na sa puwesto.
Magugunita na mismong si Hontiveros ang nagsiwalat sa “pastillas” scheme sa loob ng BI kung saan pinapahintulutan ang pagpasok ng mga Chinese nationals sa bansa kapalit ang P10,000 kada isa.
Tinawag itong “pastillas” scheme dahil ang perang iniaabot sa BI personnel ay ibinabalot sa isang papel katulad ng milk-based confectionary.