-- Advertisements --

Naniniwala ang ilang kongresista na mas makabubuti kung itigil na ng Senado ang imbestigasyon kaugnay sa mga alegasyon laban sa People’s Initiative o PI para sa isinusulong sa Charter Change o Cha-Cha.

Sa press briefing sa Kamara, inihayag ni Bataan Rep. Geraldine Roman na “waste of time” na ang pagdinig sa pangunguna ni Senadora Imee Marcos dahil nagpasya na ang Commission on Elections o Comelec na suspendihin na muna ang lahat ng aksyon na may kinalaman sa PI.

Sinabi ni Roman na mas mabuti kung ilalaan ng Senado ang oras nito sa Resolution of Both Houses no. 6, para maisulong na ang Constitutional reforms.

Binigyang-diin ni Roman kung interesado talaga ang mga senador na amyendahan ang saligang batas partikular ang economic provisions may mga hakbang na mapabilis ito.

Aniya kung may gusto may paraan.