-- Advertisements --

Nanawagan si Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin sa Department of Tourism (DOT) na palakasin ang turismo ng bansa at payagan ang visa-free visits.

Hinikayat din ng mambavatas ang ahensiya na magpatupad ng mga inisyatibo na magpapalakas sa tourism industry ng bansa.

Ginawa ni Garin ang panawagan dahil ang bansang Thailand, Singapore at Malaysia ay mayruong kasunduan sa China kung saan waive ang visa requirement na bumisita sa bansa at vice versa.

Ayon sa Lady solon, kailangan mas paigtingin pa ng DOT at ng iba pang ahensiya ang turismo sa bansa lalo at ang ilang kapitbahay na bansa ay nagtatanggal na ng visa requirement.

Binigyang-diin ni Garin na maraming mga tourist destinations sa bansa at ang hospitality ng mga pinoy ay kakaiba.

Ipinunto din ni Garin na mahalaga na mag -invest ang DOT at maging ang iba pang ahensiya ng pamahalaan sa mga istratehiya na may kaugnayan sa travel preferences.

Naniniwala ang Kongresista na ang umuunlad na travel and tourism sector ay makakatulong sa pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa.

” Kapag lumago ang ekonomiya, tataas ang employment rate, tataas din ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino,” wika ni Garin.