-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nanindigain si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa paratang nito na sangkot umano sa isang scandal ang pinuno ng kanilang City Health Office.
Sa panayam ng Bombo Radyo, iginiit ni Treñas na totoo at walang bahid ng kasinungalingan ang kanyang pahayag, gayundin na handa nitong harapin ang kasong isasampa ni Dr. Bernard Caspe.
Hindi naman daw intensyon ng alkalde na siraan ang kapwa opisyal dahil makikita naman umano talaga social media ang mukha ni Caspe na kasama ang isang babae sa video scandal.
Una ng dumepensa ang doktor at minaliit ang mga banat ng mayor.
Sa ngayon ay inihahanda na raw nito ang kasong isasampa laban sa alkalde ng Iloilo City.