-- Advertisements --
ILOILO CITY – Labis na ipinagmamalaki ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., ang Ilongga na si Rabiya Mateo sa kanyang pagkatawan sa Pilipinas na 69th Miss Universe.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na malaking karangalan na isang tubong Balasan, Iloilo ang naging kinatawan ng bansa sa pinakapretiyoshong pageant sa buong mundo.
Kahit anya hanggang Top 21 lang si Rabiya ay panalo pa rin ito sa puso ng mga Ilonggo na lubos na sumusuporta sa kanya.
Umaasa naman si Defensor na ipagpapatuloy pa rin ni Rabiya ang kanyang pagiging ambassadress of education.
Sa ngayon, wala pang petsa ang pag-uwi ni Rabiya sa Iloilo.