-- Advertisements --

Nanantili pa ring nasa “very high” classification sa COVID-19 ang lungsod ng Iloilo habang ang anim na iba pang highly-urbanized cities sa Visayas ay pasok naman sa “high” risk category hanggang noong Pebrero 3, 2021, ayon sa Independent research group na OCTA.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base sa kanilang hawak na datos, ang Iloilo City ay mayroong 60.4 percent average daily attack rate, 1.08 na reproduction number, 71 percent na healthcare utilization rate, at 32 percent positivity rate.

Pasok naman sa high risk category ang Bacolod, Cebu City, Lapu Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban.

Sa mga probinsyang ito, ang Bacolod ang siyang mayroong pinakamataas na reproduction number sa 1.11, habang ang Ormoc naman ay mayroong pinakamataas na positivity rate sa 67 percent.

Ang mga lugnsod na ito ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15, 2022.

Kahapon, iniulat ng Department of Health ang 8,702 na bagong COVID-19 cases, dahilan para tumaas ang total infections sa 3,585,461. Of which, kung saan 153,335 ang active cases.Top