Kumasa na si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa hamon ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na maging referee sa suntukan nila ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) General Counsel Atty. George Briones.
Matandaan na sa Bombo Radyo Iloilo mismo unang hinamon ni Guanzon si Briones ng suntukan matapos na sinabi ni Briones na ‘yellow ang color’ niya at ‘narcissist’.
Si Briones ay abogado ng PFP o ang partido ni presidential aspirant former Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na naglabas ng pahayag sa pagpa-disbar at pag-forfeit sa retirement benefits ni Guanzon matapos nitong isinapubliko ang kanyang boto na i-disqualify si former Senator Bongbong Marcos sa presidential elections sa 2022.
Una ring sinabi ni Guanzon na sasampahan rin niya si Briones ng kasong libel dahil sa personal na pang-aatake sa kanya.
Nanindigan rin si Guanzon na ginagawa lang niya ang kanyang trabaho bilang Comelec Commissioner, hindi anya kagawa ni Briones na binabayaran upang atakehin siya nga personal.
Ayon kay Guanzon, ang alkalde na ng lungsod ng Iloilo ang bahala kung anong plaza sa Iloilo ang maging venue ng suntukan.
Ayon naman kay Mayor Jerry Treñas, irerekomenda niya ang Plaza Libertad sa Iloilo City Proper.