-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magpapatayo na ng sariling laboratory testing facility ang lungsod ng Iloilo kung saan isasagawa ang test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nasabing sakit.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nakipag-ugnayan na siya sa Department of Health Region 6 para sa agarang pagsisimula ng mga plano para sa nasabing laboratoryo.

Ayon kay Treñas, inaasahang magpapatuloy ang pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa lungsod sa pagtatapos ng pagpatupad ng Enhanced Commuity Quarantine kung kaya’t kinakailangang magsagawa ng mass testing.

Ani Treñas, maliban sa COVID-19 tatanggap rin ang naturang laboratoryo ng test para sa iba pang sakit katulad nalang ng human immunodeficiency virus, tuberculosis at dengue.