Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na isang magnitude-5.4 na lindol ang tumama sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Ang lindol, na naitala alas-12:05 ng tanghali, ay tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang epekto nito hanggang sa mga karatig probinsya ng Ilocos Sur, Cagayan, at Isabela.
Una nang iniulat ng Phivolcs ang magnitude nito sa 5.9, ngunit kalaunan ay binago ito sa 5.4.
Inayos din ng ahensya ang iniulat na lalim sa 30 kms. mula sa 10 kms.
Batay sa instrumental intensities, naitala ang lindol sa Intensity VI sa Pasquin, Ilocos Norte; Intensity V sa Laoag City; Intensity IV sa Sinait, Ilocos Sur at Claveria, Cagayan; Intensity III sa Gonzaga, Cagayan at Ilagan City sa Isabela; at Intensity II sa Solsona, Ilocos Norte at PeƱablanca, Cagayan.
Samantala, ang mga naiulat na intensity ay Intensity V sa Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Dingras, Dumalneg, Laoag City, Pagudpud, Pasuquin, Sarrat, at Vintar, pawang sa Ilocos Norte, gayundin sa bayan ng Lacub sa Abra.
Intensity IV ang naiulat sa Magsingal, Ilocos Sur; Intensity III sa Ilagan City, Isabela; at Intensity II sa PeƱablanca, Cagayan.