-- Advertisements --

Nagbigay ng suhestyon ang International Labour Organization (ILO) para patatagin pa ang pension system sa mga third world countries, gaya ng Pilipinas, lalo na’t may kinakaharap pang krisis dulot ng coronavirus disease.

May mga indibidwal kasi na kahit dekada na sa kanilang mga trabaho ay wala pa rin silang ibang benepisyon bukod sa kanilang buwanang sahod.

Sinabi ni Nuno Meira Cunha, senior specialist on social protection ng ILO, kahit pa raw may mekanismo gayang Social Security System (SSS) sa bansa ay hindi pa rin ito magiging sapat para tulungan ang mga indibidwal na kakarampot lamang ang kinikita.

Aniya hindi lamang pension scheme ang nasusubukan ngunit gayundin ang bulsa ng pamilyang Pilipino. Hindi raw kasi imposible na mas malaking problema sa hinaharap kung hindi maaayos na mapoprotektahan ang mga maliliit na manggagawa.

Iminungkahi rin ng ILO sa pamahalaan na pag-aral ang tinatawag na universal pension. Dito ay mabibigyan ng pensyon ang mga senior citizen kahit hindi silang kontribusyon sa SSS o iba pang institusyon gaya ng Governmnet Service Insurance System (GSIS).

Magiging magastos man ito sa pamahalaan ay malaki naman aniya ang maiaambag nito sa ekonomiya ng bansa sa mga dadating na taon.

Batay sa 2020 Mercer CFA Institute Global Pension Index, nasa 36 lamang ang rank ng Pilipinas na naglilista sa 39 na bansa.

Nakakuha lamang ng overall score na 43 ang Pilipinas pagdating sa adequacy at intergrity category. Sa nasabing kategorya kasi ay tinitingnan kung sapat at naibibigay nang maayos ang pensyon sa mga salat sa buhay.

Sa kabila nito ay tila bumawi naman ang bansa pagdating sa sustainability category, na ang ibig sabihin lamang ay kayang makapagbigay ng pension benefits sa mga tao sa loob ng mahabang panahon.