Guwardiyado na ngayon ng mga tauhan ng PNP ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) na illegally discharge vessel.
Sa isinagawang operasyon ng Enforcement and Security Service (ESS) ng BoC lumalabas na hindi kasali sa manifest-way bill ang MV Long Xiang 8.
Na-discharge ito sa M/V Aal Kobe na dumating sa Port of Manila (PoM) mula Port of Iloilo.
Wala rin umanong import declaration entry na isinumite ng ship owner o agent sa BoC.
Base sa mga intelligence reports, tinangka pa umanong ipuslit ang vessel kaya naman ipinag-utos ng BoC na gamitin na ang bagong biling Fast Patrol Boat para pigilang makatakas ang vessel.
Una na rin pala itong gumamit ng pekeng pangalan na Yue Xin He 813 para hindi ito ma-detect kapag lumalayag.
Sa nagayon, nasa Manila Bay area na ang naturang vessel habang hinihintay ang seizure proceedings sa ilalim ng Section 401 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).