Agad na ipapadeport ang mga illegal workers ng Philippine Offshore gaming operator (POGO) na isang logical na hakbang ng gobyerno ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla.
Subaliy paliwanag din ni Remulla na base sa kanilang procedures, hindi applicable dito ang mga nasampahan ng kaso dahil kailangan pang sumailalim ng mga ito sa ilalim ng proseso ng paglilitis na nakasaad sa batas.
Kaya’t may option aniya sila kung maghahain ng kaso o ipapadeport ang mga illegal POGO workers subalit pinakalohikal aniya ang summary deportation para sa mga overstaying sa bansa.
Sa Senate hearing para sa annual budget ng Department of Justice, sinabi ni Remulla na nasa 216 illegal POGOs na may permit to operate ang kinansela na ng state regulator na Philippie Amusement and Gaming Corp.
Tinatayang nasa 40,000 empleyado din aniya ang posibleng nanatili sa bansa ng iligal.
Ayon naman kay Remulla, nakahanda ang bansa na ipadeport ang nasa 280 illegal POGO employees na nasa kanilang kustosiya.
Nakatakda namang makipagpulong posible ngayong araw si Remulla sa Chinese officials para talakayin ang koordinasyon sa pagitan ng Pilipinas at China para maibalik ang mga Chinese workers sa naturang industriya na undociumented, overstaying at may expired visa.