-- Advertisements --
toot ople

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy nilang hahabulin ang mga iligal na recruitment agency, para hindi na makapambiktima pa ng mga OFW.

Pinakahuli dito ang Azizzah International Manpower Services, Inc. na una nang kinanselahan ng lisensya at accreditation, ngunit patuloy pa ring nag-operate.

Una nang kinuwestyon ang nasabing agency dahil sa mga paglabag sa batas at partisipasyon sa pag-abuso sa ilang manggagawa.

Nabatid na ang Azizzah ay nag-iisyu ng job orders para sa household service at skilled workers patungong Saudi Arabia, ngunit kinukunan ang OfWs ng isang buwang sahod, na labag umano sa batas.