Naghain ng supplemental petition Sa Korte Suprema ang ilang transport group sa bansa para hilingin ang paglalabas ng temporary restraining order laban sa PUV Modernization Program na isinusulong ng gobyerno.
Ito ang naging hakbang ng ilang mga Transport group isang araw bago ang itinakdang deadline para sa public utility vehicle consolidation.
Nakapaloob sa naturang petisyon ang umano’y pagsasama-sama sa mga Technical Requirement ng bagong department order ng DOTr na nag-uutos naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na mag-adopt ng mga patakaran sa consolidation at substitution ng mga unit bagay na hindi anila nakasaad na lumang Department Order ng naturang ahensya.
Samantala, kabilang sa mga petitioners ay ang mga grupong PISTON, Para-Advocates For Inclusive Transport, No to PUV Phaseout Coalition of Panay, Komyut, at ang Multi-sectoral group Bayan Muna Party-list.
Kung maaalaa, Sinabi ng Korte Suprema na kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng deliberation ang inihaing petisyon ng grupong PISTON ukol pa rin sa nasabing usapin.
Habang una nang sinabi mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang magiging extension pa ang itinakdang deadline para sa consolidation ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.