Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at ilang senador na mabilis lamang aaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ni dating military chief Carlito Galvez Jr. bilang kalihim ng Department of National Defense (DND).
Sinabi ni Pimentel na ang record ni Galvez bilang militar ay solid ay wala raw itong nakikitang problema sa Commission on Appointment confirmation.
Kung mayroon man umanong mga isyung maipupukol sa kanya ay ang isyu ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na wala namang kinalaman sa function nito sa Department of National Defense.
Kung maalala, sa administrasyon ni daitng Pangulong Rodrigo Duterte, nagsilbi si Galvez bilang head ng military, peace adviser, vaccine czar at chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.
Naging aktibo raw ito bilang head ng peace panel, chief of staff at sa pagtugon sa pandemic na tumama noong taong 2020.
Sa isyu naman ng mga lumabas na destabilization, sinabi ni Senator Pimentel na hindi gagawin at hindi dapat gawin ito ng Armed Forces of the Philippines kung ang isyu ay ang personnel movement at promotions.