-- Advertisements --
Ilang mga customers sa Maynilad Water Services, Inc. sa Las Piñas, Parañaque, at Pasay ang nakaranas ng water service interruption simula kaninang ala-1:00 ng hapon hanggang ala-1:00 ng hapon bukas.
Ang mga apektadong lugar ay ang Las Pinas City na kinabibilangan ng D. Fajardo; E. Aldana; Ilaya; Manuyo Uno; at Manuyo Dos.
Sa Parañaque City naman ay sa Baclaran; BF Homes; BF International CAA; Don Galo; La Huerta; Moonwalk; San Dionisio; San Isidro; Sto. Nino; Tambo; at Vitalez.
Apektado rin ang halos lahat ng barangay sa Pasay City.
Sinabi ng kumpanya na ang pagkagambala sa serbisyo ng tubig ay kinakailangan para sa pag-aayos ng “leak”sa lugar.
Humihingi sila ng paumanhin sa mga naabala sa water interruption.