DAVAO CITY – Isinugod na sa mga katabing ospital sa lalawigan ng Caraga Davao Oriental ang ilang mga residente na apektado ng diarrhea matapos na ma-dehydrate.
Nabatid na nasa 319 na ang nagka-diarrhea kung saan isa sa mga tinuturong dahilan nito ang kontaminado tubig ma-iinom sa ilang mga barangay sa Caraga.
Sa huling datus, nasa 313 ang naitala sa Santiago; 2 sa San Jose, at tig-isa sa Poblacion, T. Pichon, PM Sobrecary at DLB na parehong sakop sa nasabing lalawigan.
Ayon pa kay Dr. Cris Anthony Linen, Municipal Health Officer sa Caraga, ang mga mild cases ng diarrhea ay nasa Provincial Health Office (PHO) habang nasa higit 80 ang mga severely dehydrated ang dinala ngayon sa mga ospital para mamonitor ang kanilang kalagayan.
Sa nasabing bilang, 14 nito ang nasa Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City habang nasa 17 ang nasa Davao Oriental Provincial sa Manay habang nasa 52 ang nasa mga make shift hospital sa Barangay Santiago sa Caraga.
Ilan sa mga pasyente sa mga pasyente ang nasa kanilang mga bahay lamang ngunit patuloy na inoobserbahan ang kanilang kalagayan.