-- Advertisements --

Hindi ikinatuwa ng ilang residente ng Makati ang inanunsyo ng lungsod na mamamahagi ito ng libreng Sinovac vaccine mula China.

Ngayong araw ay binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Makati ang registration para sa libreng Sinovac doses.

Nakasaad pa sa abiso ng lungsod na ang libreng Sinovac vaccine ay ginawa sa pamamagitan ng vaccination program ng Pilipinas, at susundin nito ang order of priority sectors na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH).

Subalit sinupalpal ng karamihan ng residente sa Makati ang naging alok ng lungsod. Mas gugustuhin anila na hintaying dumating sa bansa ang bakuna mula AstraZeneca dahil wala raw silang tiwala sa mga produkto ng China.

Ang Sinovac vaccine ay ginawa ng Beijing-based pharmaceutical company na ngayon ay nangunguna sa global race ng COVID-19 vaccine.