-- Advertisements --

LONDON, United Kingdom – Inirekomenda ng mga medical expert sa Europe ang patuloy na pag-aaral ang posibleng pangmatagalan na epekto ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga gumaling nang pasyente nito.

Ayon sa European Society of Clinical Microbiology and Infectious Diseases Conference on Coronavirus Disease (ECCVID), “worthy of further study and early intervention” ang nadiskubre sa isang research sa Ireland.

Sa ginawa kasing pag-aaral ng mga doktor at patients group sa St James’s Hospital and Trinity Translational Medicine Institute, lumabas na higit sa kalahati ng kanilang mga pasyente at staff na tinamaan ng COVID-19 ang nakaranas ng fatigue o labis na pagkapagod makaraang gumaling.

“Whilst the presenting features of SARS-CoV-2 infection have been well-characterised, the medium- and long-term consequences of infection remain unexplored,” ani Liam Townsend.

Mula sa 128 participants ng study, 52% ang nakaranas ng persistent fatigue, sa loob ng 10 linggong assessment mula nang sila ay ideklara na clinically recovered.

Nasa 67% ng mga pinag-aralang pasyente ang nakaramdam ng mas madalas na pagkapagod, na pawang mga kababaihan.

Ilan sa tinitingnang dahilan ng researchers ay ang bigat ng inisyal na sakit at pre-existing conditions ng mga pasyente, kabilang na ang depression.

Katunayan, malaki raw ang tsansa na makaranas ng fatigue ang mga may history na ng depression at anxiety.

Ayon sa researchers, kailangan pa ng patuloy at masinsinang pag-aaral sa pagmo-monitor ng pangmatagalang impact sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.

“Our findings demonstrate a significant burden of post-viral fatigue in individuals with previous SARS-CoV-2 infection after the acute phase of COVID-19 illness.”(AFP)