-- Advertisements --

Pinayuhan ng isang maritime expert ang ilang opisyal ng pamahalaan na baguhin ang protocols ng militar sa pag-uulat ng mga mahahalagang maritime incindents habang sila ay nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Sinabi ito ni Prof. Jay Batongbacal ng UP Director of the Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea na kailangang mag-adjust din ang ilang proseso, para angkop sa international audience ang ating mga aksyon.

Kasunod ito ng patuloy na pambubully ng mga chinese vessel sa mga barko ng Pilipinas habang ito ay nasa karagatang sakop ng ating bansa.

Matatandaang iniulat ng Philippine Coast Guard ang insidente ng close distance maneuvering ng isang chinese vessel na may bow number na 3305 sa BRP Malabrigo habang nagpapatrolya ito sa bisinidad ng Bajo de Masinloc noong unang linggo ng Marso ng taong ito.

Ayon kay Batongbacal, dapat mapabilis ang pag-transmit ng mga kahalintulad na insidente upang ito ay maaksyunan kaagad at ipaalam sa mundo ang mga ganitong pangyayari.

Gayunman, sinabi nito na nakadepende pa rin ito sa direktiba ng mga opisyal ng bansa, upang hindi maapektuhan ang ating foreign policies.