-- Advertisements --

Nagbabala ang environmental group na EcoWaste Coalition na may ilang playgrounds sa bansa na hindi ligtas para sa mga bata.

Ayon kay EcoWaste Chemical Safety Campaigner Thony Dizon, may ilang play equipment kasi sa mga playgrounds na ito na natuklasang mapanganib dahil sa mataas na lebel ng lead na taglay ng mga ito.

“The high levels of lead detected on the paint of outdoor playground equipment are very worrisome and unacceptable,” ani Dizon.

Batay sa pag-aaral ng grupo na may pamagat na “Lead in Playground Equipment in the Philippines,” natuklasan na 50 sa 55 play equipment na dumaan sa analysis ay mayroong total lead concentrations na lagpas 90 parts per million (ppm), ang limit na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources.

Samantala, 42 lead-coated playground equipment naman ang may lead levels na lagpas sa 10,000 ppm.

Sinabi ni Dizon na magde-deteriorirate ang pinturang ginamit sa mga play equipments na ito pagkatapos na gamitin ng makailang beses at exposure sa init at ulan.

Mahahalo aniya ang pinturang ito sa alikabok at buhangin na maaring ma-ingest ng mga bata.