-- Advertisements --
Nakarating na ang karagdagang apat na boom truck ng relief supplies para sa mga nasalanta ng super typhoon Rolly sa Bicol region.
Lulan ng naglalakihang trucks ng Philippine Coast Guard (PCG) ang saku-sakong bigas, kahon-kahong food packs at purified drinking waters.
Una silang nagbaba ng tulong para sa mga residente ng Camarines Sur, saka tumuloy sa lalawigan ng Albay, para maipamahagi ang nakalaang tulong.
Bago ito, nagsagawa na rin ng aerial survey ang PCG sa Catanduanes at iba pang parte ng Region V, para makita ang lawak ng pinsala at kung anong tulong ang maaaring agad na maipagkaloob sa mga residente.