Nakakita raw ang Food and Drug Administration (FDA) ng magandang resulta sa mga pasyente na gumamit ng convalescent plasma para sa kanilang treatment sa COVID-19.
Ayon kay FDA director general Eric Domingo, mula sa 526 pasyente na sumailalim sa plasma treatment, 429 ang gumaling na sa coronavirus.
“Based on the reports na na-receive namin ng latest, 526 patients have been given with convalescent plasma, and (from) this 429 have recovered.”
May 17 ospital na raw ang rehistrado ng FDA para magsagawa ng convalescent plasma treatement.
“We also approve one clinical trial for convalescent plasma, that is mas structured talaga yung protocol and mas objective yung analysis.”
Sa kabila ng development, nilinaw ng FDA director general na kailangan pa rin ng scientific anaylsis sa resulta ng treatment sa mga gumaling na pasyente.
Bukod sa convalescent plasma, pinag-aaralan ding treatment ngayon sa COVID-19 ang virgin coconut oil. Nahahati ang trials sa severe at moderate COVID-19 cases sa Philippine General Hospital; at probable cases sa Sta. Rosa Community Hospital.
Malapit na raw matapos ang ginagawang trials sa ospital sa Laguna dahil nakumpleto ng Department of Science and Technology (DOST) ang target na 56 patients.
“Of that number (56), there are already parang 38 or 40 na tapos na sila (sa trials), so were just finishing the 28-day trial for the remaining that will end on October 16. After that gagawa na ng report,” ani Science Sec. Fortunato dela Pena.
Nauna nang inaprubahan ng FDA ang trials para sa medicinal plants na lagundi. Isasagawa ang trial nito sa mga pasyente sa quarantine centers sa Quezon Institute, PNP-NCR at Sta. Ana Hospital.