-- Advertisements --

Planong ialok ngayon ng administrasyong Marcos Jr. sa pribadog sektor ang pamamahala at pagpapatakbo ng ilang paliparan sa bansa.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng inisyatiba ni Pangulong Bongbong Marcos na muling buhayin ang public-private partnerships sa bansa.

Paliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, naniniwala raw kasi si PBBM na malaking bahagi ang ginagampanan ng mga private sector sa economic development sa Pilipinas lalo na ngayon plano nito na muling pasiglahin, suriin, at ibalik ang PPPs sa bansa.

Ayon naman kay Finance Secretary Benjamin Diokno ang planong ito ng kasalukuyang administrasyo ay maaaring makatulong sa pagpapalawak ng fiscal space ng bansa.

Aniya, maaaring isaalang-alang ng gobyerno ang ilang paliparan na maaaring ialok ng solicited o unsolicited proposals kung saan maaari itong patakbuhin ng isang pribadong sektor.

Tulad na lamang aniya ng Bohol International Airport na posible raw na mas mag-improve ang operasyon at management kung isang pribadong sektor ang mamamahala dito dahilan kung bakit maaari rin aniya itong ibigay na lamang sa private sector.

Matatandaan na una nang sinabi ni Diokno na posibleng umabot sa 5 percent hanggang 6% ang magagastos ng pamahalaan mula sa gross domestic product (GDP) para sa taun-taong imprastraktura sa loob anim na taong panunungkulan nito.

Makikita sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) na umabot sa Php 1.12 trillion ang halaga ng infrastructure disbursements noong taong 2021 na may katumbas naman na 5.8 percent ng GDP.