-- Advertisements --
Nagsuspendi na ng pasok sa ang ilang paaralan sa Metro Manila sa habang ginaganap ang Southeast Asian Games.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago, ang mga paaralan ay kinabibilangan ng Arellano Law School na nagsuspendi mula Disyembre 2 hanggang 7, St. Scholastica’s College mula Disyembre 2-7, St. Paul College sa Pasig na mula Disyembre 2 hanggang 6 at St. Pedro Poveda College mula Disyembre 2 hanggang 6.
Nauna ng nag-anunsiyo ang De La Salle University-Manila na sinuspendi na nila ang kanilang pasok mula Disyembre 2-7 para magbigay daan sa SEA Games.