-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ni Commission on Election (COMELEC) Commisisoner Rey Bulay si Comelec spokesperson James Jimenez.

May kaugnayan ito sa pagpapaliban ng presidential at vice presidential townhall debates na nakatakda sana nitong Abril 23 at 24, 2022.

Sinabi ni Jimenez na nakatanggap ito ng memorandum mula kay Bulay at pinagpapaliwanag ito kasama ang iba pa dahil sa pagpaliban ng nasabing debate.

Magugunitang hindi itinuloy ang ikatlong presidential at vice presidential debates matapos na hindi nakapagbayad ng P14-milyon ang kinuhang contractor ng Comelec na Impact Hub sa Philippine Plaza Holdings ang may-ari ng Sofitel Hotel kung saan doon ginaganap ang mga debate.

Ayon naman kay Comelec Commisioner George Garcia tutulong na ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) para matuloy ang debate na gaganapin naman sa Abril 30 at Mayo 1.