Nanindigan si Houston Mayor Sylvester Turner sa kaniyang naging desisyon na ipagbawal ang chokehold at stranglehold sa lahat ng kapulisan sa Minneapolis.

Ito’y matapos tuhurin sa leeg ng mga dating myembro ng Minneapolis police department ang kaawa-awang biktima na si George Floyd.

Ang ginawang karahasan ng mga ito ay tila kumakatawan sa matagal na panahon nang pananakal ng White system sa mga Black Americans.

Isa ang alkalde sa daan-daang tao na dumalo sa pribadong funeral service ni Floyd sa isinagawa sa The Fountain of Praise church sa Houston, Texas.

Binigyang-pugay din ni Turner ang pagkamatay ng 46-anyos na African-American na nagmulat sa mata ng buong mundo hinggil sa patuloy na pagiging api ng mga Black Americans sa kamay ng mga puti.

Bukod dito ay kakailanganin din munang magbabala ng mga otoridad bago iputok ang kanilang baril.

“We honor him today because when he took his last breath, the rest of us will now be able to breathe,” saad ni Turner.

Isinusulong na rin ng ilang opisyal mula sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos ang pagbuwag sa kanilang police department at magsimula na lamang ng panibago.