-- Advertisements --

Nag-abiso ang Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) nang pansamantalang closure ng ilan sa kanilang opisina sa Bicutan, Taguig City.

Sa isang online advisory, sinabi ng PCHRD na simula pa noong Lunes, August 24 ay nakasara ang kanilang mga opisina sa Saliksik Building at DOST Executive Lounge.

“In the interest of health and safety, please be advised that the DOST-PCHRD offices located at Saliksik Buildin ang DOST Executive Lounge in Bicutan, Taguig City are temporarily CLOSED starting Monday, 24 August 2020 until further notice.”

Walang binanggit na impormasyon ang ahensya ukol sa pansamantalang pagsasara ng mga opisina.

Sa kabila nito, hinimok ng PCHRD ang kanilang mga kliyente na makipag-ugnayan sa online channels para sa mga katanungan at concerns.

“Clients may still reach us through our online channels for inquiries and additional updates on the resumption of operations in our offices.”

Ang PCHRD ay isang attached agency ng Department of Science and Technology. Isa ang nasabing ahensya sa mga punong abala sa mga diskusyon para makatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ang Pilipinas.