Sinimulan nang ipatupad kaninang madaling araw ng ilang oil companies ang bawas presyo ng liquified petroleum gas (LPG) bilang salubong sa unang araw ng buwan ng Oktubre.
Kaninang alas-12:01 ng madaling araw nagpatupad ng bawas presyo ang Phoenix Super LPG na nag-rollback ng P2.55 per kilogram habang ang Auto LPG naman ay may P1.43 per liter.
Sa panig naman ng Petron, nagbawas sila ng presyo sa LPG ng P2.55/kg epektibo kaninang ala-una ng madaling araw.
Ganon din naman ang Auto LPG ay nag-rollback ng P1.43 kada litro ng LPG.
Ang hakbang ng mga kompaniya ng langis sa LPG price rollback ay dahil sa international contract price para sa Oktubre, at mababa rin naman daw ang demand ukol dito.
Batay sa datos mula sa Department of Energy (DOE), nagpapakita na ang retail prices para sa 11-kilogram na LPG cylinder ay nasa pagitan ng P838 hanggang sa P1,024.