-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Maraming Overseas Filipino Workers o OFW ang nadismsya sa pagpili at maagang agsasara sa venue ng Overseas Absentee Voting sa Bayanihan Kennedy Town Center sa Hongkong.

Ayon kay Bombo International News Correspondent MJ Lopez, OFW sa Hong Kong marami ang pumila kahapon subalit sa halip na payagan silang makaboto ay pinauwi lamang sila ng Kunsolada ng Pilipinas.

Hindi umano inaasahan ang pagdagsa ng napakaraming OFW sa Kennedy Town Center upang samantalahing makaboto sa unang araw ng OAV.

Panawagan din nila na madagdagan ang kanilang Vote Counting Machine na gagamitin para sa halos 93,000 Overseas Absentee Voters ng Hongkong.

Hinihiling rin na madagdagan ang presinto kung saan sila maaaring bumoto upang mabigyan din ng pagkakataon ang nasa malalayo pang lugar.

Batay sa kanilang pagtaya nasa mahigit 3,000 lamang ang nakaboto kahapon na inaasahang madagdagdagan pa dahil marami pang Pinoy ang hindi pa nakaboto at pinababalik na lamang ng konsulada sa iba pang araw.