LAOAG CITY – Hindi naiwasan ng ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Egypt ang mangamba dahil sa unang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Margie Chikino ng Maadi, Egypt pero tubong Dupax del Sur, Nueva Vizcaya, anim ang pinagsususpetsahang may kaso ng COVID-19.

Aniya, oobserbahan ang anim na foreigner at ilang Egyptian sa loob ng 14 days sa isolation room.

Sinabi ni Chikino na nanggaling ang mga ito sa labas ng Egypt.

Dagdag niya na magiging alerto sila dahil sa unang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

-- Advertisement --