Ilang overseas Filipino worker (OFW) sa Israel ang nahihirapang magdesisyong umuwi sa Pilipinas sa gitna ng Israel-Hamas war dahil sa kanilang separation pay.
Ayon sa mga awtoridad, marami din ang mga gusto ng umuwi sa Ph ngunit ang nais nila ay makuha ang kanilang claims bago umalis ng Israel.
Ito ang isang dahilan kung bakit nahihirapan na magdesisyon ang ilang OFW kung babalik na ba sa Pilipinas.
Una na rito, hindi bababa sa 22 Pilipino ang humiling ng repatriation mula sa Israel, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Isang unang batch, na binubuo ng walong tao, ang umalis sa Israel noong Oktubre 16.
Sa kasalukuyan, nakataas ang Alert Level 2 sa Israel na ibig sabihin ay restricted deployment ang mga Filipino.
Una nang sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan sila sa Israel at Egypt para buksan ang Rafah Border Crossing at payagan ang mga nakulong o natrapped na Pilipino na makalabas sa Gaza.