-- Advertisements --
NAGA CITY – Apektado na umano ngayon ang ilang mga local businesses sa Hong Kong.
Ito’y resulta pa rin ng nagpapatuloy na mga kilos protesta sa naturang lugar.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong mas tumitindi ngayon ang emosyon sa Honkong lalo na at apektado na aniya ng kaguluhan ang mga maliliit na negosyante.
Ayon kay Sadiosa, kasama sa mga hinaing ngayon ng mga negosyate ang pagsira at panununog ng mga kapulisan sa ilang mga maliliit na negosyo sa lugar.
Aniya, pagsapit pa lamang ng alas 7:00 ng gabi kailangang nakasara na ang mga tindahan kung hindi ay sisirain ito ng mga otoridad.
Sa ngayon, wala pa rin ipinalalabas na pahayag ang gobyerno ng Hongkong hinggil sa naturang mga pangyayari.