CAGAYAN DE ORO CITY – Mayroong kakayanan na magtuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon ng Mindanao kung mangyari na hihiwalay man ito sa sa Pilipinas.
Ito ang mapangahas na pag-amin ni Ray Talimio Jr,chairman of the board ng Oro Chamber of Commerce Incorporated patungkol sa pinalutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na Mindanao Independence epekto sa umano’y pagkadismaya sa pamumuno ni incumbent President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr sa bansa.
Sinabi ni Talimio sa Bombo Radyo na kung pagbabatayan ang economic performance ng Mindanao ay kaya nitong sasagutin ang pangangailangan ng mismong mga residente nito.
Paliwanag nito na kailangan lang gawin ay aakayin ng strong economic performers katulad ng Davao region ang karatig lugar nito sa Region 12 habang sasandal naman ang mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula at Caraga sa bahagi ng Hilagang Mindanao.
Magugunitang nag-ugat ang Mindanao Independence dahil sa political word war ng mga Duterte laban sa mga taong nakapalibot kay Marcos Jr.