-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Malaki ang naging pasasalamat ng ilang mga musicians sa lalawigan ng Aklan lalo na sa Isla ng Boracay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos na masambit nito sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ang ukol sa tinatawag na creative industries.

Ayon kay Mike Regalado, isang kilalang singer sa Aklan na malaki ang naging ambag ng creative industries sa industriya ng turismo sa bansa.

Naniniwala sila na ang pahayag ni Marcos ay isang manifestation ng pagpapakita nito ng suporta sa mga Pinoy freelancers kagaya nila, kung saan, karamihan sa mga nasa creative sector ay freelancers.

Umaasa aniya sila na matapos kilalanin ang kanilang industriya ay makasama na sila sa mga mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan.

Isa umano sila sa mga labis na naapektuhan ng pandemya, ngunit bilang mga informal workers ay hindi napabilag sa mga nabigyan ng tulong pinansiyal kagaya ng natanggap ng mga regular na empleyado.