-- Advertisements --
Pinagpapaliwanag ng ilang grupo ng Democratic senators si Federal Emergency Management Agency (FEMA) administrator Peter Gaynor kung may sapat bang mga personal protective equipment para sa mga staff ng nagtatrabaho sa nursing homes.
Laman ng sulat nina Senators Maggie Hassan, Elizabeth Warren, Bob Casey at Chuck Schumer, nais nilang matiyak na may sapat na suplay ang mga nursing homes at mga longterm care facilities.
Lumabas kasi sa kanilang pagsusuri na 40% sa mga namamatay sa coronavirus ay mula sa nursing homes.
Noong nakaraang mga buwan kasi ay inireklamo ng ilang mga nursing homes dahil nakakakuha sila ng mga depektibong kagamitan gaya ng gowns at mga maninipis na surgical mask.
















