-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang mga senador na tigilan na ang pagpapakalat ng usapin ng pagpapatalsik kay Senate President Migz Zubiri.

Sinabi ni Senator Imee Marcos na dapat pagtuunan na lamang ang mga trabaho kaysa unahin ang nasabing usapin.

Hinikayat naman ni Sen. Nancy Binay na huwag ng pansinin ang mga nagpapakalat ng nasabing malisyosong usapin.

Giit naman ng ilang mambabatas na walang nagiging problema sa pamumuno ni Zubiri at nananatili umano silang masaya sa liderato nito.