Nagsimula ng bumisita ang ilang Pilipino sa mga sementeryo isang araw bago ang Undas o All Saints’ Day.
Ito ay habang ang mga awtoridad ay naghahanda para sa seguridad at pamamahala sa trapiko bilang pag-asam sa pagdagsa ng mga bisita.
Sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, may ilang bisita ang namataan na pumasok na at bumisita sa libingan.
Ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, nasa 5,000 katao ang bumisita sa sementeryo noong Oktubre 29 at 7,000 katao ngayong Oktubre 31.
Habang malapit na ang Undas, inaasahan na mas marami pa ang bibisita sa sementeryo dahil bukas ay All Saints’ Day.
Dagdag dito, ang mga bisita ay kailangang sumailalim sa isang security check sa pagpasok sa sementeryo.
Una na rito, nasa 350 pulis na ang naka-deploy sa loob at labas ng sementeryo para magbigay ng seguridad at matiyak ang kaligtasan ng publiko.