DAVAO CITY – Nakauwi na sa kanilang mga bahay ang ilang mga residente na una ng nakaranas ng diarrhea sa Barangay Naga Laak Davao de Oro sa nakaraang araw.
Sa inilabas na datus mula Local Government Unit ng Laak, nasa 30 na ang gumaling at nakauwi na sa kanilang mga bahay, nasa walo naman ang outpatient patient department habang 29 ang nananatili pang naka-confine sa Davao De Oro Provincial Hospital sa Laak at patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.
Tiniyak naman ng lokal nga pamahalaan na patuloy nilang i-momonitor ang nasabing barangay at ang ginagawang active case finding ng medical team.
Nabatid na matapos ang nangyaring outbreak, temporaryo na ginawang Medical Shelter ang Barangay Hall ng Barangay Naga kung saan nilagay ang mga pasyente na hindi na kailangan isugod sa hospital ito ay para mamonitor ang mga ito ng medical workers.
Patulyo naman na naka-stand by sa lugar ang Water Tanker, Water Bladder at Water Filtration Unit para may temporaryo mapagkukunan ng tubig ang mga apektadong residente habang hinihintay ang resulta ng eksaminasyon.
Kung maalala, nasa tatlong mga residente ang namatay dahil sa diarrhea outbreak habang nasa higit 30 ang apektado.