-- Advertisements --
super egay

Isinailalim na sa ibat ibang protocol ang maraming mga probinsya sa buong bansa dahil sa tuloy-tuloy na paglakas ng bagyong(Supertyphoon) egay.

Batay sa datus ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, nakasailalim sa pinakamataas na alerto o Charlie Alert ang ilang mga probinsya sa Northern Luzon.

ito ay kinabibilangan ng Cagayan, Ilocos Norte, at Probinsya ng Apayao. Ang mga nasabing probinsya ay posibleng makaranas ng malakas na hangin na hanggang sa 150KPH mula sa bagyong egay.

Nasa pangalawang pinakamababang alerto o Alert Level Bravo naman ang anim na probinsya sa Norte na kinabibilangan ng Abra, Batanes, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, Mountain Province.

Habang nasa pinakamababang alerto ang mga sumusunod na probinsya:Albay, Aurora,Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Eastern Samar, Ifugao, La Union, Laguna, Marinduque, Masbate, Metro Manila, Northern Samar, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Quirino, Rizal, Romblon, Samar, Sorsogon, Tarlac, atZambales.

Maalalang kahapon pa lamang ay inatasan na ng DILG ang mga Local Chief Executives na ipatapupad ang Oplan Listo Protocols sa pagtugon ng mga ito sa epekto ng bagyong Egay.