Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga motorist hinggil sa pansamantalang pagsasara ng Ilang pangunahing kalsada sa lungsod sa darating na Marso 25 hanggang Marso 26, 2024.
Ito ay upang magbigay-Daan sa gaganaping Philippine Men’s National Football Team’s FIFA World Cup 2026 Qualifiers laban sa Iraq.
Sa inilabas na advisory ng Manila LGU, pansamantalang munang isasara ang kahabaan ng Adriatic Street mula sa Quirino Avenue hanggang sa P. Ocampo Street mula Marso 25, Lunes, hanggang Marso 26, Martes.
Dahil dito ay pinayuhan muna ang mga Northbound motorist na gamitin muna ang mga sumusunod na alternatibong ruta:
From P. Ocampo Street
Turn right to Mabini Street
Turn right to Quirino Avenue
Turn left to Leveriza Street
To point of destination
Habang pinapayuhan naman ang mga Southbound motorist na gamitin muna ang mga sumusunod na ruta:
From Adriatico Street
Turn right to Quirino Avenue
Turn left to Mabini Street
To point of destination