-- Advertisements --

Ipapatupad na ngayong buwan ang taas presyo sa ilang mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) president Steven Chua na mayroong mula 5 hanggang 10 porsyento ang itataas sa presyo ng ilang brand ng sardinas, meat loaf, kape, evaporated milk, suka, asukal at instant noodles.

Karamihan sa mg ito ay humirit ng dagdag presyo na inaprubahan naman ng Department of Trade and Industry (DTI).

Paliwanag pa ni Cua na ang nasabing nasabing mga presyo ay pasok pa rin sa ipinapatupad suggested retail price (SRP) ng DTI.